Quantcast
Channel: the Pink Line
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44

Maid of Honor

$
0
0
January 19, 2013 was the wedding date of the two of my closest friends, Bobong and Nene. Magkakaibigan na kami since college. We were on a two different groups on our block section. Pero dumating yung time na nagmerge ang group namen and then poof it became coco crunch naging isang malaking barkada na kami. Actually hindi naman ganun kalaki. We were originally eight, nadagdagan na lang dahil sa mga bf or gf at ngaun asawa na nila. That leaves me the only single (not taken) on our barkada. Saklap diba? Oh well, anyway I believe and will still believe na makilala ko rin ang tamang lalakeng nakalaan para saken (punong puno ng pag-asa). Baka nga nakilala ko na sya hindi pa lang nagpaparamdam. Hoy paramdam ka na! Anong petsa na oh?!

Syempre, one of the special occasions ito for me kaya hindi pwedeng hindi ko isasama sa aking online diary. Always na lang kasi akong bridesmaid at first time ko mag- maid of honor.

The wedding ceremony took place in Sta. Clara de Montefalco Parish church, Pasig City.

Dumating ako sa Exchange Regency Hotel ng 10am. Ang aga ko diba knowing na 2pm pa ang kasal. Eh excited ako eh bakit ba?! Pero naman mga teh ako pa ang huling naayusan. Yung tipong naiihi na ko sa sobrang pagka-pressure dahil ako na lang ang hinihintay, ganyan. Buti na lang hindi kami na-late, saktong sakto lang at nakapag-pictorial pa before the march.

the groom with his parents

the bride with her super cool parents

Baket kaya nakakaiyak yung eksenang naglalakad yung bride sa aisle? Well, its for me to find out hehe.
They have a promise na kapag 10 years na sila mag-bf gf eh magpapakasal na sila. Kaya ayan, finally!

Gamit na gamit pala pagiging maid of honor ko dito dahil bukod sa pagpapapirma eh kami rin ni best man ang pinag-hawak ng mike habang nagpapalitan sila ng I do's.

At dahil biba ako eh pati sa mga ninong ako na rin ang nagpa-pirma na dapat pala yung best man na. Eh first time eh.

Habang nagpi-pictorial ang groom at bride, may moment din kami sa gilid.

the prettiest maid of honor on earth (ang kokontra panget!)

Instead of the usual na pagpasok ng entourage sa reception area, kailangan daw eh sumasayaw. Kaya ayun napasayaw ako ng slight lang nemen.

While in the middle of the program, may na-spot-tan akong nagi-stand out na kagwapuhan. Dahil supportive sa single love life ko si bff Hash kinuhanan nya ng picture, kaya lang nakatalikod. Hindi ko na lang din ipopost wala rin namang silbi. Basta nanlambot tuhod ko dahil taglay nya ang weakness ko, matangkad at singkit.

Officemate pala ni groom si Mr. MS (matangkad and singkit). Dahil supportive din ang friend kong groom ipinakilala nya saken si Mr. MS. Ehmeged! He's more goodlooking sa malapitan. We shook hands and he smiled so sweet. Tumalon puso ko! Gusto kong magtakip ng unan at umirit sa sobrang kilig. Single din sya kaya lang may pagka-suplado. Oh well, move on na! Ganyan ako kabilis magpalit ng feelings, from kilig to deadma chos!




More ganap sa program hanggang sa dumating sa throwing of bouquet. Hindi na sya yung traditional na literal na ihahagis. Idinaan ni bride sa game. Naghagis sya isa isa ng mga roses with stem. Kung sino ang may pinakamaikli ang stem na nasalo sya ang mapalad at ako yun bwahaha! Dahil dyosa ang nakakuha nag-unahan ang mga single boys sa pag-ubos ng wine at ang nanalo ay si best man!

Kung ano daw ang gagawin ni groom at bride gagawin din ng mga nakakuha ng bouquet at garter. Paalala: ang mga sumusunod na eksena ay bawal sa mga batang manonood. Patnubay ng magulang ay kailangan.

kiniss ni bride si groom sa forehead kaya kiss din ako kay lolo sa noo

malakas kiliti ko jan hihihi

hindi po yan lips to lips..effects lang ng camera :P

Over yang si best man, nakarami ng halik sa aken huh! Hindi ko po feel na feel ang mga eksena. Napilitan lang talaga ako dyan (defensive?).

Hindi pa nakuntento sa kiss, sinayawan pa ako habang papalapit saken para isuot ang garter.

nadidiri ako hindi ako natutuwa!

tuwang tuwa ako, diring diri si best man 

Buti na lang pareho kaming single kaya keri lang.

The bride and groom ended the program by thanking everyone for being part of their big event. Like what I've said sa wine tossing, I wish them happiness, stay in love unconditionally and have a baby agad agad.

Dahil mga adik kami sa picture, more more photo shoot bago umuwi.








That's all for now.


Thanks everyone for reading and commenting on my last post regarding the success of PBO's first project. To those who want to be a part of a fulfilling mission to share, please do like our fan page Pinoy Bloggers Outreach or follow @iHeartPBO on twitter for updates. Thank you!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 44

Trending Articles