Quantcast
Channel: the Pink Line
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44

A Success for the First PBO Project

$
0
0
It all started with a humble wish of a blogger with a pure heart named Gracie of Gracie's Network. Matagal ko na rin itong gustong gawin. Pero hindi ko alam kung pano ko sisimulan. That is why when ate Gracie posted about her wish for Christmas agad akong nagpahayag ng suporta. Nag-post din ang isa pang blogger na sobra ang dedication na si Mar of Unplog ng tungkol sa Project Piso. Kasama ang maraming kalokohan pero may  napakabuting puso (hindi ito dyuk) na si Archieviner of Chateau de Archieviner we had serious talks over twitter on how we could make it happen. At mula sa Project Piso natuloy sa Pinoy Bloggers Outreach na naglalayon na tumulong at magbigay ng saya sa mga mas nangangailangan.

More bloggers showed support. Donations came, in cash and in kind. Hindi ko na patatagalin pa. Heto na ang resulta ng ating pagsasama sama.

Mula sa usapan sa twitter, FB, at Skype, the group finally decided to held our first project on White Cross Children's Orphanage in San Juan.



The Preparation -January 6, 2013
Kasama si kuya Mar namili kami sa Divisoria ng mga pangregalo at pampapremyo sa mga kids. Nabanat ang mga malalaking maskels nya sa pagbibitbit ng aming mga pinamili na mula Divisoria ay diniretso namen sa Gateway, Cubao. Doon namen inayos ang mga pangregalo katulong si Axl, Sey, Rix at Erin.



The Main Event- January 8, 2013

We met at Robinson's Galleria by 1pm. Nang makumpleto ang mga volunteers tumuloy na kami sa White Cross. Hinintay namen sandali si kuya Mar na hindi namen kasabay dahil doon sya nagmula sa Chickboy Cubao branch (one of the sponsors) kung saan namen iniwan ang mga inayos na gifts and prizes. Pagdating nya ay agad na naming inayos ang venue.




At maya-maya pa dumating na ang mga bata na nagsimulang makihalubilo at makipagkulitan sa amin.

Kanya kanya ng laro at kalong sa amin. May mga malalambing, may makukulit, may sosyal, may bibo, may komedyante at marami pang may.

Nagsimula ang program sa pamamagitan ng dasal at pagpapasalamat kay Lord. Dahil sa mukang excited ang mga bata games na agad. Pagkatapos ng ilang games ay nagperform na ang mga clowns.


Pagkatapos ng nakakatuwang performance. Games to sawa na ulet.


Pagkatapos ng magulo at masayang palaro ay pinakain naman namen sila. After ng early dinner ng mga kids pinamigay na ang mga regalo. Konting picture picture at natapos na ang program. Sa pagtatapos ng party pinayagan kami na makalibot sa kwarto ng mga batang 2 years old and below.



Pero bawal pumasok sa loob. Mula sa labas ng glass door ay nakita namen ang mga munting angel. Sa totoo lang sila talaga ang tumunaw ng puso ko. Ang ku-cute ng mga babies ang sarap nilang i-uwi. Hindi ko lubos maisip kung pano magagawa ng isang magulang na ipamigay ang kanilang anak. Siguro may kanya kanyang mabibigat na dahilan pero kung ano pa man yun para saken hindi yun magiging sapat para iwan ang kanilang mga anak.

Buti na lamang at may mga ganitong institusyon at mga tanong may hangarin na makatulong at magpasaya katulad ng PBO.

Acknowledgement

Maraming salamat
sa mga Officers: Mar, Gracie, Archieviner and yours truly
sa mga Volunteers at: Axl, Zai(donated candies), Joanne(donated books), Empi, Senyor IskwaterSenyor Iskwater (contributed name plates), Paokun, Rix, Sey, Jun, Kulapitot(donated toys), R-jay, Deo, Erin
kay Maria sa pagdesign at pagsagot sa tarpaulin
sa mga nag-donate ng cash: ang mga pangalan ay lalabas sa official statement of account na aming ipo-post soon
sa Chickboy for the discounted food
kay Mr. Fitz ng Bloggershirts.com para sa malaking discount sa T-shirts (courtesy of Gracie)
sa company si kuya Mar na napakaraming naitulong
sa lahat ng member na wala man ang presence sa event ay buong buo ang suporta sa proyekto

Kung wala kayo hinding hindi magiging possible at successful ang unang proyekto ng PBO. Maraming maraming salamat mula sa aking puso! Words are not enough to show how much Im thankful. Sana ay ipagpatuloy naten ang ating misyon. More power PBO!




Viewing all articles
Browse latest Browse all 44

Trending Articles