Quantcast
Channel: the Pink Line
Viewing all articles
Browse latest Browse all 44

ang sakit sakit na

$
0
0
Napapadalas na tong sakit na nararamdaman ko ah. Not emotionally but physically. Hindi naman talaga ako magpo-post eh kaya lang ang sakit talaga.

Una, masakit ang puson ko. Hindi dahil wala (alam ko ang nasa isip nyo!), kundi meron. Meron akong dysmenorrhea. Sa mga hindi nakakaalam kung ano ito i-google nyo na lang po. Tinatamad kasi ako eh. Yan pa isang epekto saken kapang meron ako. Sobrang tinatamad ako. Gusto ko lang laging natutulog, nakahiga at ang bigat bigat ng katawan ko. Buti nga nagawa ko pa tong post na to eh (over!).

Pangalawa, masakit pala ang IPL. Sa mga hindi nakaka-alam paki-google na lang po ulet, please bear with me. Second session ko na kanina, from 20 jolts to 24 jolts. Nung una tinanong ko si ate kung masakit ba, sagot nya medyo daw pero tolerable. Parag pinitik lang daw ng goma. Napaisip ako, teka masakit yung pitik ng goma ah. At masakit talaga sya. Ewan ko baka low lang talaga ang tolerance ko sa pain. Mas masakit pa daw sa mga susunod na session hanggang 35 jolts. Oh my gash baka himatayin na ko! Eh ano bang magagawa ko ginusto ko to eh. Tiis ganda!

Pangatlo, natuklap yung kuko ko sa daliri ng kamay, yung hinlalaki sa kanan specifically. Pasintabi sa mga kumakain. Nagpalinis kasi ako ng kuko, after ko magpalinis kinabukasan nakita ko na may crack yung kuko ko. Hindi ko sya ma-gupit kasi nakakapit pa sa laman. Eh kanina sumabit yung kuko ko sa kung saan so yung maliit na crack ng kuko ko ay lumaki. At ang sakit nya! Errrrrr nangingilo ako habang nagta-type nito. Ginupit ko na sya kasi humiwalay na sa laman. Pero ang sakit talaga mas masakit pa sa 24 jolts promise.

O.A. lang ba? Sorry naman, pero masakit talaga eh. Lately, pansin ko lang na puro lumang kanta naririnig ko. Yung tipong mapapa-emo ka dahil sa mga kantang may mga dalang masasakit at nakakalungkot na alaala. Ay ewan! Ayoko mag-emo ngaun, wala ako sa mood, tinatamad ako. O sya yan na lang muna. Sana bukas sipagin na ko dahil ang dami ko pang kelangang gawin at wala pa kong nabibiling gift kahit isa.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 44

Trending Articles