Puputulin ko muna ang Siargao Adventure post ko. Isisingit ko lang ang ganap sa aking Saturday.
Pasensya na ganyan lang po talaga kami mag-usap. Normal po samen yan. Though hindi lahat makakapunta itinuloy na rin namen ang meet up. James hasnt change a bit, well except the beer belly. Mas lumaki ang tyan nya. Pero sya pa rin yung barkada namen na mahilig sa sabaw. Kanin at sabaw lang solve na sya. Sobrang pagkamiss, pagkakita ko sa kanya nagpa-Dawn Zulueta ako charot! I just hugged him so tight. He has his own family na rin.
Reunited
Finally ay nagkita na ulet kami ng long lost kabarkada namen na bigla na lang nawala sa sirkulasyon. Almost 4 years hindi nagparamdam. Recently lang bigla syang sumulpot sa FB at ayun super daming kwentuhan through chat at napagkasunduan na magkita kita. Pero hindi magkatagpo ang mga schedules namen. Until nag-aya akong manood ng Pyromusical Competition sa MOA.
Me: (through SMS) Guys nood tayo Pyromusical Competition sa MOA sa Saturday
Barkada: Umaga ba yun?
Me: Ahmmm fireworks yun eh so malamang umaga sya.
Barkada: May pasok ako sa umaga eh
Me: O sige sa gabi na lang. Yung fireworks na maga-adjust para sayo.
Barkada: Okay, go na ko
Pasensya na ganyan lang po talaga kami mag-usap. Normal po samen yan. Though hindi lahat makakapunta itinuloy na rin namen ang meet up. James hasnt change a bit, well except the beer belly. Mas lumaki ang tyan nya. Pero sya pa rin yung barkada namen na mahilig sa sabaw. Kanin at sabaw lang solve na sya. Sobrang pagkamiss, pagkakita ko sa kanya nagpa-Dawn Zulueta ako charot! I just hugged him so tight. He has his own family na rin.
![]() |
Richelle, long lost James and Me ;) |
Fireworks
United Kingdom and South Korea were the competing countries who performed last Saturday for the 4th Philippine International Pyromusical Competion.
We bought our tickets on Metrodeal. Originally 300 pesos yung price ng Gold pero discounted ng 40% kaya 180 pesos na lang. Pero ang masaklap pagdating namen dun, buy 1 take 1 ang Gold tickets and worst may nagbebenta pa samen ng 50 pesos na lang nung malapit na magstart ang show. Kainis lang diba? Ayoko na ngang isipin besides nagenjoy naman ako sa fireworks eh.
Unang nagperform ang United Kingdom. Syempre amazed na naman ako. Mas nagustuhan ko ang pinakita ng UK kesa South Korea. Mas unique ang mga fireworks and upbeat yung music na ginamit. Opening song was Skyfall by Adele, followed by One Direction's Live While we're Young. Im thrilled when the song Diamond by Rihanna played, synchronized with the fireworks.
Medyo mabagal ang music na ginamit ng South Korea though mas synchronized compared to UK. Korean songs ang ginamit except for Frank Sinatra's Fly Me to the Moon, that somehow made the moment so romantic. Syempre hindi nawala ang Gangnam Style. Na-boring lang ako ng slight sa performance nila at parang tinipid. Plus yung mga ginamit nilang fireworks ay common na. In short walang kakaiba.
Well, I super love fireworks. Nakanganga ata ako habang nakatingala at pinapanood sila. So malamang manood ulet ako sa mga susunod pang Sabado.
(Nakalimutan ko ang digicam kaya walang photos ng fireworks.)
Bowling
Mga 9pm na natapos ang fireworks. Kumain kami then nagkayayaan mag-bowling since maaga pa naman. Another first time and another check on my bucketlist yey!
First time ko pero would you believe na unang tira ko strike?! Pati ako nagulat at sa sobrang tuwa ko eh nagpatalon talon pa ko na parang bata haha! May hang-over pa ko ng fireworks at parang wala lang na binitawan ko yung bola pero naka-strike ako. Wohooo! Standing ovation habang nagka-clap-your-hands ang lahat ng tao sa bowling centre ng MOA, syempre charot lang. Yung mga barkada ko lang ang pumalakpak.
![]() |
Strike! |
Super fun ang bowling kahit medyo masakit sa hinlalaki na kailangan ipasok sa loob ng bola para mahawakan ng maayos. Nakakaaliw na sports at great bonding with barkada. Uulit ulitin ko syempre.